Ang pag-Iyak ay…

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa.Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.” – BOB ONG

Akala ko dati , alam ko na lahat ng sakit na pedeng maranasan ng isang tao . Akala ko pag iniyak ko na lahat yun na yun. hindi na ko papayag na gagohin uli ng kahit sino at sa kahit anong paraan, sabi ko “I’ll be wiser “ pero akala ko lang pala yun , kasi sa loob ng ilang buwan na nag kasama tayo nakita ko na pwede ako akong maging masaya, na pwede akong mag tiwala uli .

Madaming pwedeng mangyari sa loob ng isang segundo, sa loob ng isang minuto , sa loob ng isang araw, imagaine yung mga maaaring mangyari sa loob ng isang linggo , eh sa isang buwan , lalo na kaya sa isang taon, habang iniisip ko , natatakot na ko . Hindi mo naman hawak ang bukas.

lahat tayo may sariling laban, ang bawat araw natin ay isang malaking laban ng buhay , mula sa mentalidad na kailangan ko maunahan si ate sa banyo maligo kasi 30 years sya bago matapos , o kaya our struggle against traffic or BOSS will get mad at me and might fire me, hanggang sa pinaka malilit na mga bagay na kung mag papaload ba ako ng bente o UNLI . Minsan malaking laban na ng buhay ko ang ANONG OUTFIT ang sususotin ko nagyong araw… Pero sa totoo lang may mas malalaking pa din naman akong laban sa buhay hindi lang damit na sususotin oh kung sino ang tao na ipeplease ko nagayon. (which is bad, never ever try to please other people. )

Sa totoo lang I am a fun person, I have this enthusiasm that when fuelled right can light up the who city … Kagaya  kagabi madaming tao ang nagsabi na maganda ang ngiti ko , may nagsabi na they liked me kahit na 3 minutes ko pa lng sila pinagsisilbihan sa till , at kung pag babasihan ang mga yun tama ako , I am a fun person , pero aminado ako na pag emosyon pertaining to love life na ang pinaguusapan , maniwala kayo I am a TOTAL MESS.

Hindi ko na masyadong idedetalye pero kagaya nag nakakrami , grabe ako mag mahal . Hey ! You cant blame a girl for trying … Trying hard na mag mahal at mahalin . I came to some thinking even before this , why do I try heard to beloved , mahal naman ako ng magulang ko , well supported ako ng lola ko , may bestfriend ako na laging nandyan , may mga kaibigan ako na wiling gawin lahat mauplift lang ako pero may mali pa din sakin eh , pilit ko pa din gini-gain yung pag ibig nang isang tao . Isa pang hindi ko maintindihan sa sarili ko , bakit ako nag seset ng standard , ng expectation sa mga tao kahit na alam na alam ko naman na ilo-lower ko din yun . Kahit na alam ko na babalewalain ko din yang mga standard na yan… At kahit na alam ko na pag binalewala ko yun para ko na din binalewala ang sarili ko …

After a short 31:64 minute call…. I realize , in a short amout of time you can get to some deep thinking and find out mind blowing things. In my case … I came to thinking more about myself and what is my stand into crying..

Ang pag-iyak … ay isang bagay na laging natin iniisp na simbolo ng kahinahan . Pero nagayong gabi … para sakin , Ang pag iyak ay simbolo ng lakas at katapanggan. Kasi maaring nagayon habang binabasa mo to , may isang tao sa sulok ng sarili nyang kwarto na umiiyak  mag isa kasi ayaw nya mag alala ang mag tao na nag mamahal sa kanya at dahil doon matapang sya. Maaring habang binabasa mo to ngayon may isang tao na umiiyak publicly , umiiyak sa commuter bus , kasi nasaktan sya o nawalan sya , maari na pag nakakita ka ng ganito iispin mo na “ ay para namang tanga to sa publiko pa umiiyak “ , maari din naman na maawa  pero wala kang gagawin o may gagawin ka, pero ang point ko itong taong umiiyak sa commuter bus or jeep na sinasakyan nya ay matapang !! Matapng sya bakit ? kasi despite the expectation that we need to conserve ourselves , this person chose to forgot it all to EXPRESS it all at para sakin that shows strength and bravery . Maari sa maga oras na ito nalalala mo yung mga panahon na umiiyak ka para sa isang tao , at hindi masama yun .. hindi ibig sabihin noon mahina ka, gusto ko isipin mo na sa panahong yun pinili mo maging malakas.

Oo umiiyak ka ! Pero sa bawat pag patak ng luha mo , naalala mo lahat ng sakit , at silently sinasabi mo sa sarili mo na tama na. Na sa bawat pag patak ng luha mo . “ YOU DESERVE BETTER .” Ayan tayo e better, alam natin na hndi tayo dapat nageexpect pero minsan kailanagan din natin protektahan ang sarili natin,  kailanagan natin na mag expect para kahit papano , alam nung other party na “hey I need to make an effort “ . Minsan kasi nakakalimutan natin na ang relasyon parang trabaho din , may what to expect from you and what to expect from them,  hindi ko sianasabi ng itrato mo ang relasyon ana parang trabho, ang gusto kong iparating gamitin mo yung konsepto ng isang trabaho sa relasyon. Isa pa, nakakalimutan natin lagi yung GOLDEN RULE e, that also applies sa relasyon. B*llsh*t ! kung ayaw mo na tinatrato ka na stranger at tinatawag ka sa First name mo !!! Then do something to let his/her know na you deserve an endearment.

Golden rule, kung nasaktan ka kasi you were addresslike this “ *insert first name here* , goodnight I love you “ , then dont  call and just say “Ang taba ng girlfriend ko ,” “ or ang gulo kausap ng girlfriend/boyfriend ko “, like hey dude , manners naman may pangalan yung tao, respeto pede? Pasalamat ka nga sya sa pangalan ka tinawag e , e ikaw ba naisip mo kung ano mga tinatawag mo sa kanya. Again Golden RULE.

Hindi po ako bitter , timely habang tinatype ko ito I’ll be honest naiiya iyak pa ako , may kirot kasi. Alam ko ang daming issue ng post -rant ko na ito pero gusto iemphasis ang “pag-iyak” , madalas kasi na mimisinterpret , madalas di maunawaan. Madaming dahilan ang pag iyak wag natin kalimutan yun. May point sa buhay mo na minsan , alam mo na ang tapang tapang mo , na tuloy tuloy ang buhay mo , trabaho-aral-bahay-trabaho- lovelife  (malas ko lang LDR pa ako ) then all of  a sudden marerealize mo na S*** ginagawa ko naman lahat pero bakit parang may kulang . Tapos maiisip mo na Hindi ka na pala nakakaramdam ng emosyon. 

Alam mo ba yung pakiramdam na ganun ? Yung walang kang nararamdaman kahit na sobrang emo na nung kanta mo hanggang sa may isang kanta sa playlist mo na pag tumogtog eh BOOM kasi “it says it all “ tapos BOOM iiayak ka na lang . Tapos masasabi mo na lang na  “ Tang’na ayoko na  “ . While i’m at it , ill recite famous a quote from a guy that I have been with , kasi this reminds me how stupid and dumb I was. 

I will share this one  “if Life gives you Lemons,  make some lemonades “ -JCS, YASSSS!!!! PANALO yang punch line na yan, kasama yan ng super Last Letter ni ex number 3 kung tama ang pag kakaalala ko ,  he wrote it as part of a final goodbye letter skin ng ibalik ko lahat ng gamit nya sakin…. Bakit ko na ishare ? Kasi pag dumating na yung BOOM maiiyak ka na lang , isipin mo yang quote na yan … tapos i corelate mo sa nangyayari sayo . Yes!! Life is giving you sour lemons right now at ang sakit sakit ,naiiyak ka na nga lang oh , pero ano ba ang ginagawa sa lemon para magkalemonade ? diba you squeeze it HARD!! SO yas girl!!! or Boy! SQUEEZE it hard, well as much as I want to suggest to squeeze the life out of the person making you cry , I wont let you do it that , cause that will be murder not lemonade,  pero ipapayo ko sayo na cry it hard squeeze out all the pain tapos pag nailabas mo na, do lemonades out of it meaning , use that to your advantage… Honey remember what you deserve and what are you having.

“Nahihirapan ka na? Tama na itigil mo na”. -EAS This one is actually from my current boyfriend, I occasionally hear him say it when I am trying something hard and sometimes dumb. I want to believe na sianasabi nya to as a joke, or somehow a reminder. Iniiwasna ko na iaipin na he is provoking me to quit loving him kasi sometimes it applies……

So ito i will share it with you baka kasi mas effective sayo. Its straight to the point. Nahihirapan ka na ? Edi itigil mo na. MInsan nakakalimutan natin na we can decide when enough is enough. Minsan kasi mahal na mahal natin yung isang tao na nakakalimutan natin na ispin pano naman tayo, pano naman ikaw, “sino na ang nagmamahal satin?” o sayo .. Minsan nakakalimutan natin na ang relasyon ay for two people, na may SAY ka din.” It’s for two people who are considered as one if they will act as one or have a mutual feeling,” madalas binabalewala natin yung last part. Minsan we tend to believe na the feeling is STILL mutual pero gaya nga ng sabi “Change is inevitable” pero saniabi din naman na suffering is a choice. 

Everythim I am left or cheated, or wronged by people , I always listen to “tuloy parin “ by neo colors, it reminds me of who I am, or atleast what could I do , or what would a normal being will do. Pero just recently , pinaka paborito ko yung version na ginamit sa movie na ABNKKBSNPLA ako” hango sa libro ni BOB ong at isa sa favorit part ko e yung rap ni Shehyee. Isang magandang paalala , “pag di na maganda ang katayuan  ,kailangan ng maglakad”, isang malaking example ng enough is enough.

“sabi nila ang lahat ng sugat naghihilom

Ako’y nasasabik, gaano katagal lalo sa tulad kong diabetic

dahil sa sobrang tamis ng nagdaang pag-ibig

akala ko dati ay siya na,masaya lagi sa kanya

malaking patungo sa kanya ang aking mga paa, ayaw mawalay, parte na sia ng aking pagkatao

nung nasanay, natakot na ako sa pagbabago

Dumating ang mga away,naluma ang lahat

katotohana’y di abot kaya nakuhang magpanggap

Habang tumatagal adobo lalong sumasarap

pero pag sobra napapanis din,di mo na makakagat

kailangan ko na pong ilipat ang pahina ng aklat

pag di na maganda ang katayuan 

kailangan ng maglakad

para lang nawala ang dala dala kong payong 

mauulanan , pero muling makakasilong sapagkat…

-shehyee TULOY PA RIN  (abnkkbsnpla ako OST)

“Makakapili ka ng lugar na uupuan mo,

pero hindi mo mapipili ang taong uupo  sa tabi mo…

ganyan ang senaryo sa bus.. Ganyan din ang pag-ibig..

Lalong di mo kontrolado kung kailan sya bababa”. -BOB ONG

Sa tingin ko ito ang nakalimutan ko, madalas nakakalimutan ng mga to na kagaya ko na nagmamahal … Sabi ko kanina sa kaibigan ko sa telepono, na dadating ang araw, “i’ll have my final and last straw, I swear that … this time for real someone will regret losing me” pero nakalimutan ko na it can be me too , siguro yun yung isa sa mga bagay na kinatatakutan ko na masanay ako mag panggap, pero mas natatakot ako na masanay ako na hindi ko alam na tumayo na pala sya sa bus dahil malapit na syang bumaba… 

Sabi ko , this new stage in my relationship will be good for me , for us, ang hindi ko naiisip It can get the best of me…. Minsan kasi pag nag mahal tayo nakakalimutan natin yung other options or yung other possibilities.

Kaya ngayong gabi, naiisip ko i iyak lahat. Naisip ko na ngayong gabi ang pag iayak ang other choice ko kesa i-bottle up ko lahat ng nararamdaman ko at baliwalain ang puso ko. Ako naman ngayong gabi. Lahat ng mga sibasabi ko na nag papakita ng tapang ko na,”yes okay lang that he doesn’t mind me, na he doesn’t express much what I am to him I dont mind that he doesn’t mind me…” tonight ill cry it all out. Para bukas , Okay na talaga, better na kumpara sa kagabi. Ang tanging kontrol ko lang ay ang sarili ko ang pag pili na mahalin ang sarili ko na hindi ko sya masasaktan, mukhang katangahan at ka martyran ito pero minsan hndi puro pag bitiw lang ang sagot …

And since this is my first Tagalog (with english /CONYO) post,  I would also like to share some Screen shot of quotes and post from BOB ONG’s Instagram that I felt related to this post.



I hope there is something you take from this.. Love lots. @bustingblossoms

Advertisements

1 thought on “Ang pag-Iyak ay…”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s